Government force casualties sa Marawi siege umakyat na sa 58
Sa kabuuan ay umaabot na sa 58 ang bilang ng mga napapatay na tauhan ng militar at pulisya sa patuloy na kaguluhan sa Marawi City.
Sa pulong balitaan kanina, Armed Forces of the Philippines 1st Infantry Division Spokesman Lt. Col Jo-ar Herrera na kabilang sa mga napatay ay 55 mga sundalo at tatlong PNP personnel.
Pinakauhuli sa mga casulaties ang labingtatlong miyembro ng Philippine Marines mula sa Marine Battalion Landing Team 7 na naka-enkwentro ng pinagsanib na pwersa ng Abu Sayyaf Group at Maute terror group.
Kasama sa mga napatay sina 1st Lt. Raymond Abad na mula sa Zamboanga City at 1st Lt. Frederick Savellano na graduate ng U.S Marine Basic Officers Course at residente ng Antipolo City.
Sina Abad at Savellano ay kabilang sa mga tropa ng pamahalaan na nakarekober sa P52 Million cash at P27 Million na halaga ng mga tseke na pinaniniwalaang pondo ng teroristang grupo noong June 5.
Ipinaliwanag ni Herrera na hindi makapag-lunsad ng full-blown military operations ang pamahalaan dahil nagtatago sa mga Mosque ang mga terorista.
Bukod pa ito sa mga human shields na hawak ng armadong grupo na ngayon ay naiipit sa tatlong mga Barangay sa Marawi City.
Nilinaw rin ni Herrera na hindi totoong ang mga terorista ang lumusob sa lugar ng mga sundalo kagabi dahil sila umano ang nasa offensive mood.
Aminado rin ang opisyal na mahirap ang kanilang misyon sa kasalukuyan dahil close combat operations na ang nagaganap kasabay ng house-to-house check sa mga lugar na pinaniniwalaang pinagtataguan ng mga terorista.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.