BPI ipinagtanggol ng BAP sa “system glitch”

By Jimmy Tamayo June 10, 2017 - 02:51 PM

Suportado ng Bankers Association of the Philippine ang ginawang aksyon ng Bank of Philippine Islands para maitama ang naranasang system error mula noong June 7, araw ng Miyerkules.

Sa isang statement, sinabi ng BAP na tiwala pa rin sila sa BPI sa pagresolba sa natuklasang “internal system glitch.”

Ipinaliwanag pa ng BAP na hindi naman pambihira ang ganitong pangyayari pero may kahandaan naman anila ang bawat bangko sa ganitong mga problema para hindi ma-antala ang serbisyo sa kanilang mga kliyente.

Hindi rin naniniwala ang BAP na makaka-apekto ang “system glitch” sa nasabing bangko na pag-aari ng mga Ayala maging sa banking industry.

Pagtitiyak pa ng BAP na mananatiling maayos ang BPI bilang financial institution at makakaasa pa rin ang publiko sa serbisyo ng bangko.

Umaga ng Miyerkules (June 7) nang makaranas ng problema ang mga account holder ng BPI kung saan nagkaroon ng mis-posting ng bank transactions mula April 27 hanggang May 2.

Naka-apekto ito sa online banking kung saan nakaranas ng auto debit, double transasctions at ang iba ay nadagdagan naman ang deposito ng kanilang BPI accounts.

Kinailangan din na suspendihin ang operasyon ng mga ATMs ng BPI para maiwasan ang problema lalo dun sa mga nadagdagan ang deposito.

TAGS: !-BAP, bpi, system glitch, !-BAP, bpi, system glitch

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.