Mayor ng Balete, Batangas patay sa pamamaril

Patay sa pamamaril kaninang umaga ang alkalde ng banay ng Balete sa lalawigan ng Batangas.

Sa paunang report ng Philippine National Police sa Batangas, sinabi ni S/Insp. Hazel Luma-Ang na pasado alas-diyes ng umaga kanina ng pagbabarilin ng mga lalaking sakay ng isang kulay puting van si Mayor Leovino Hidalgo sa Barangay Poblacion.

Mabilis siyang isinugod sa metro Lipa Medical Center pero idineklara siyang dead-on-arrival.

Isang team na ang binuo ng PNP-Batangas para magsagawa ng imbestigasyon at tugisin ang mga armadong suspek.

Read more...