NBA Finals: GSW bigong maiuwi ang kampeonato sa sa game 4

By Rod Lagusad June 10, 2017 - 01:51 PM

(AP Photo/Tony Dejak)

Panalo ang Cleaveland Cavaliers kontra Golden State Warriors sa Game 4 sa NBA Finals sa score na 137-116.

Tulad ng nakaraang taon parehong nasa 3-1 ang serye matapos ang apat na laro.

Habang ilang segundo na lang ang natitira sa oras ay nag-chant ang mga fans ng “Cavs in seven.”

Pinangunahan nina Lebron James, Kevin Love at Kyrie Irving ang pagkamada ng puntos para sa Cavs.

Tulad ng inaasahan ay naging mainitan ang laban sa pagitan ng team nina James at Steph Curry kung saan naging pisikal ang bakbakan sa magkabilang panig.

Kaugnay nito matapos malagpasan ni Lebron James si Michale Jordan bilang No. 1 all-time play-off scorer noong nakaraang buwan ay nasa third place na siya all-time NBA Finals scoring list.

Nakapagtala si James ng 31 points, 10 rebounds at 11 assists para sa kanyang ninth career triple-double sa Finals dahil dito kanya ng nalagpasan ang record na naitala ni Magic Johnson na may walo.

TAGS: awwrior, cavaliers, curry, lebron, NBA, awwrior, cavaliers, curry, lebron, NBA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.