Panibagong engkuwentro sa Marawi, 13 sundalo patay

By Den Macaranas, Josephine Codilla-Radyo Inquirer contributor June 10, 2017 - 12:49 PM

Patay ang ilang tauhan ng Philippine Marines kabilang ang ilang batang opisyal sa pagpapatuloy ng bakbakan laban sa pinagsanib na pwersa ng Maute group at Abu Sayyaf Group sa Marawi City.

Sa ulat na nakuha ni Radyo Inquirer Correspondent Josephine Codilla, kabilang sa mga napatay ay isang batang opisyal mula sa Antipolo City at isang junior officer mula sa Zamboanga City.

Kabilang ang mga napatay sa grupo ng Philippine Marines na nasa likod ng pagkaka-rekober sa P52 Million halaga ng cash at P27 na tseke na pinaniniwalaang bahagi ng pondo na hawak ng teroristang grupo.

Ayon sa report, kagabi pa natanggap ang mga ulat hingil sa sinapit ng ilang tauhan ng Philippine Marines pero kaninang madaling araw na lamang nakuha ang mga labi ng mga napatay sa panig ng militar.

Hindi pa naglalabas ng opisyal na pahayag ang Armed Forces of the Philippines sa pangyayari dahil kinakailangan pa nilang abisuhan ang mga kaanak ng mga napatay na tauhan ng militar.

Nasa ikatlong linggo na ang nagaganap na bakbakan sa lungsod ng Marawi kung saan ay ipinagpapatuloy ng pinagsanib na pwersa ng militar at pulisya ang clearing operations para mabawi mula sa kamay ng mga terorista ang kabuuan ng lungsod.

TAGS: Abu Sayyaf, Marawi City, Marines, Maute, Abu Sayyaf, Marawi City, Marines, Maute

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.