Aabot sa tatlo punto isang bilyong piso ang mawawala kada araw sa pamahalaan oras na ituloy ng mga Overseas Filipino Worker ang pagpapatupad ng ‘zero remittance day’.
Ayon ito sa pagtantya ni Senador Francis Escudero na nagsabing malaki ang papel na ginagampanan ng mga OFW sa sustainability at ekonomiya ng bansa.
Hindi aniya makatarungan na targetin ng Bureau of Customs ang mga OFW na itinuturing na makabagong bayani.
Base sa talaan ng Bangko Sentral ng Pilipinas, umabot sa all time high na 26.93 billion pesos ang personal remittances ng mga OFW noong 2014 dahilan para makapagtala ang pilipinas ng 8.5 percent na gross domestic product.
Sa unang anim na buwan ng 2015, tumaas na ng 6.2 percent o 12.7 billion pesos ang naireremit ng mga OFW sa bansa.
Ang zero remittance day ng mga OFW ay tugon sa tangkang pagbukas ng Bureau of Customs sa mga balikbayan boxes./Chona Yu