Bus bumangga sa puno sa Bataan isa patay

By Jimmy Tamayo June 10, 2017 - 10:59 AM

Isa ang patay at nasa 13 ang sugatan nang bumangga sa puno ang isang minibus sa bayan ng Abucay, Bataan umaga ng Sabado.

Sa report ng Bataan Police Provincial Office, nag-overtake umano ang minibus sa isang motorsiklo kaya sumalpok ito sa isang puno sa gilid ng Roman Highway sa Barangay Laon dakong alas-sais ng umaga.

Dead-on-arrival sa ospital ang hindi kinilalang biktima.

Aminado naman ng bus driver na si Rommel Sayson na nawalan siya ng kontrol sa sasakyan makaraang mag-overtake sa kanya ang isang motorsiklo.

Agad namang inaresto si Sayson na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide and physical injuries.

TAGS: abucay, bataan, bus accident, abucay, bataan, bus accident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.