Ilang domestic flights kanselado dahil sa sama ng panahon

Kinansela ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang dalawang domestic flights dahil sa masamang panahon.

Ayon sa MIAA Media Affairs Office kanselado ang biyahe ngayong araw, June 10, 2017 ng sumusunod : CebGo DG 6041 – Manila to Busuanga at DG 6042 – Busuanga to Manila.

Sa huling pagtaya ng PAGASA makararanas ng panaka-nakang pag-ulan at mga pagkulog at pagkidlat ang Luzon, Western Visayas at Eastern Visayas dahil sa low pressure area malapit sa Palawan.

Nagpa-alala din ang PAGASA sa posibilidad ng flashfloods at landslides.

Sa Metro Manila, sinabi ng weather bureau na magiging maulan ang maghapong ito.

Read more...