Kaguluhan muling sumiklab sa loob ng Metro Manila District Jail
Sarado pansamantala sa publiko at mga dalaw ang loob ng Metro Manila District jails (MMDJ) sa loob ng Camp Bagong Diwa sa Taguig City.
Kasunod ito ng naganap na kaguluhan kagabi sa pagitan ng mga miyembro ng Sputnik Gang at Bahala Na Gang.
Sinabi ni Bureau of Jail Management Penoloy Dir. Serafin baretto na hindi naman nagkasakitan ang magkabilang grupo pero nagpatuloy ang kanilang ginawang noise barrage kagabi.
Sa ngayon ay kontrolado na ang sitwasyon pero para sa kaligtasan ng mga dalaw ay pansamantala munang hindi papapasukin ang mga ito sa compound ng MMDJ.
Noong nakaraang Martes ay dalawa ang napatay samantalang maraming iba pa ang sugatan ng maganap ang riot sa pagitan ng Bahala Na Gang at Sputnik Gang.
Sinasabing nag-ugat ang kaguluhan sa loob ng MMDJ dahil mahigit sa isang linggo silang nawalan ng suplay ng kuryente.
Napag-alaman rin na umaabot na sa P5 Million ang utang ng MMDJ sa Meralco kaya sila pinutulan ng kuryente at tanging generator set lang ang ginagamit sa kasalukuyan para mabigyan ng kuryente ang buong jail facility.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.