Nanay ng Maute brothers posibleng ilipat sa Metro Manila

By Den Macaranas June 10, 2017 - 09:04 AM

Dahil sa banta na i-rescue ng kanyang mga anak kaya pinag-aaralan ng pamunuan ng Philippine National Police na dalhin na rin sa Metro Manila ang ina ng Maute brothers na naaresto sa Lanao del Sur.

Sa ngayon ay hindi pa naglalabas ng opisyal na pahayag ang mga security officials hingil sa nasabing isyu.

Ipinaliwanag ni C/Supt. Reuben Theodore Sindac, pinuno ng Philippine National Police – Autonomous Region in Muslim Mindanao (PNP-ARMM) na nasa pangangalaga nila si Omenta Maute, alyas Farhana at ilan pa sa kanyang kasamahan.

Sila ay naaresto habang papatakas sa kanilang pinagtataguang lugar sa Brgy. Dayawan sa bayan ng Masiu sa Lanao Del Sur.

Nakarekober din sa grupo ang mga otoridad ng ilang matataas na kalibre ng baril, mga bala at ilang piraso ng improvised explosive device (IED).

Kamakailan lang ay naaresto rin ng mga otoridad ang tatay ng Maute brothers na si Cayamora sa isang checkpoint sa Davao City.

Si Cayamora ang sinasabing nagpopondo sa grupo ng kanyang mga anak na sina Omar at Abdullah Maute.

TAGS: cayamora, farhana, marawi, Maute, PNP, cayamora, farhana, marawi, Maute, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.