Duterte, ipinahayag kung bakit tinanggihan ang tulong ng mga rebeldeng Moro sa Marawi

By Kabie Aenlle June 10, 2017 - 05:57 AM

Sa kabila ng pag-apela niya ng tulong sa mga rebelde at separatists na Moro para sumabak rin sa laban kontra terorismo sa Marawi City, tinanggihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga ito nang pormal na silang nag-alok ng tulong.

Paliwanag ng pangulo, nagbago ang kaniyang isip dahil baka sa bakbakan, puro sa likod pa tamaan ng bala ang mga sundalo ng gobyerno at hindi sa harap kung kasama nila ang mga Moro fighters.

Agad namang nilinaw ng pangulo na hindi naman ito isyu ng kawalan ng tiwala.

Gayunman, sinabi ni Duterte, hindi lang talaga magiging akma sa sitwasyon kung ganoon ang magiging diskarte.

Aniya, masyado nang magiging marami kung sasabak pa ang Moro fighters sa bakbakan sa Marawi City.

Posible aniyang magkaroon ng hindi pagkakaintindihan at sa halip na sa kalaban iputok ang baril ay baka ang mga sundalo at Moro pa ang magbarilan.

Una nang nag-alok si Moro National Liberation Front chief Nur Misuari na magpapadala siya ng 2,000 sundalo niya, ngunit tinanggihan ito ng pangulo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.