Pagkaladkad ni Aguirre sa mga taga-oposisyon, bahagi umano ng isang plano laban sa kanila ayon kay De Lima

By Ruel Perez June 10, 2017 - 05:53 AM

Naniniwala si Sen. Leila de Lima na bahagi ng plano ng administrasyon na idiin sila sa Marawi siege, ang naging pagdadawit ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre II sa mga opposition lawmakers.

Sa pahayag, iginiit ni De Lima na bagaman katawa-tawa ang ginawa ni Aguirre, patunay lang ito na mayroon talagang ginagawang hakbang ang Duterte administration para ipakita na kagagawan ng oposisyon ang Marawi crisis.

Giit ng senadora, ginagamit ng administrasyon ang nagaganap na Marawi siege para maipinta sa utak ng mga Filipino na mayroon talagang pagsasabwatan ang mga prominenteng miyembro ng opposition para lumikha ng kaguluhan o destablization laban sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nauna nang idinawit ni Aguirre sina Sen. Bam Aquino, Sen. Antonio Trillanes IV, Magdalo Rep. Gary Alejano at dating political adviser ni dating Pangulong Noynoy Aquino na si Ronald Llamas sa Marawi siege, pero kaagad din itong binawi ng kalihim sa pagsasabing misquoted lamang siya ng media.

Kinontra naman ito ng mga mamamahayag na nagco-cover sa Department of Justice, sa paglalabas ng opisyal na pahayag at pagsasabing suportado ng kuha ng video, Facebook live at mga audio recordings ang ginawang pagdadawit ng kalihim at bineripika din muna nila ang lahat ng naging statements ni Aguirre bago nila ito isinapubliko.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.