Mahigit 40,000 na trabaho, iaalok sa job fair sa Lunes

FILE PHOTO

Mahigit sa 40,000 job vacancies ang iaalok sa job fair sa Independence Day sa Lunes.

Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), 40,689 ang kabuuang job vacancies na iaalok ng pitumpu’t apat na employers sa job fair.

Ito ay binubuo ng 20,689 na local vacancies o mga trabaho dito sa bansa mula sa limampu’t apat na kumpanya, at dalawampung libong trabaho naman sa ibang bansa mula sa dalawampung accredited na recruitment agencies.

Gaganapin ito sa Senior Citizen’s Garden sa Rizal Park o Luneta sa Maynila, simula alas-8:00 ng umaga, hanggang alas-4:00 ng hapon.

Read more...