Batas na papayag bumaba sa pwesto ang Emperor, aprubado na sa Japan

By Kabie Aenlle June 10, 2017 - 05:46 AM

Naipasa na ng parliament sa Japan ang isang panukala na nagbibigay pahintulot kay Emperor Akihito na bumaba sa kaniyang pwesto.

Si Akihito ang gagawa nito sa kauna-unahang pagkakataon matapos ang ilang siglo dahil 1817 pa ito huling ginawa noong Edo period.

Dahil dito, maipapasa na ni Akihito ang kaniyang trono kay Crown Prince Naruhito, na pinakamatanda sa kaniyang tatlong mga hanak.

Ninanais ni Akihito na makababa sa pwesto dahil na rin sa kaniyang edad na 83 taong gulang, na pinaniniwalaang nakakaapekto na rin sa pagganap niya sa kaniyang mga tungkulin.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.