T.O.P, nakalabas na sa ospital matapos ang drug overdose

By Kabie Aenlle June 10, 2017 - 05:43 AM

Nakalabas na mula sa ospital ang Korean singer at actor na si T.O.P matapos ang mahigit sa dalawang araw na pamamalagi doon.

Matatandaang natagpuang walang malay si TOP dahil sa drug overdose noong Martes.

Hinihinalang na-overdose ang miyembro ng boy band na Big Bang sa isang prescribed tranquilizer na iniinom niya para sa anxiety.

Lumabas ang ilang litrato kung saan makikita si TOP sa Ewha Womans University Medical Center sa Seoul, habang nakaupo sa isang wheelchair.

Ayon sa isang ulat ng Korean Herald, inilipat si TOP sa isang ward para tumanggap naman ng psychiatric treatment.

Sinabi rin sa naturang report na humingi si TOP, na may tunay na pangalan na Choi Seung-hyun, ng paumanhin sa kaniyang mga fans.

Bago ma-overdose, na-expel si TOP sa kaniyang military service matapos mahatulan dahil sa paggamit ng marijuana.

Itinanggi niya pa ito sa una ngunit inamin din kalaunan matapos mag-positibo sa mga drug tests.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.