Halos isandaang State Universities and Colleges, makakatikim ng kaltas sa budget sa 2016

August 26, 2015 - 07:14 PM

 

Inquirer file photo

Aabot sa limampu’t siyam (59) na State Universities and Colleges o SUCs ang makararanas ng kaltas sa kanilang operating budget sa 2016, habang apatnapung (40) iba pa ang makakatikim ng bawas sa kanilang capital outlay.

Ayon kay Kabataan PL Rep. Terry Ridon, sa unang tingin ay mas mataas ng kaunti ang 10.5 Billion na panukalang pondo ng Commission on Higher Education o CHED para sa 2016, pero kung hihimayin ay mababatid na panay kaltas ang alokasyon para sa SUCs.

Sinabi ni Ridon na batay sa kanilang pagsuma, ang bawas sa Maintenance and other Operating Expenses o MOOE ng 59 SUCs ay aabot sa 477.8 Million pesos, samantalang 4.8 Billion naman ang magiging kaltas sa capital outlay ng 40 SUCs.

Pinakamalaki aniya ang bawas sa MOOE ng Tawi-Tawi College of Technology and Oceanography, Mindanao State University at Ilo-Ilo State College of Fisheries.

Ang Western Visayas naman ang may pinakamaraming SUCs na nakaltasan ng MOOE, habang pangalawa ang Eastern Visayas, pawang sa susunod na taon pa rin.

Dagdag ni Ridon na mula sa 40 SUCs, ang University of the Philippines o UP System ang may pinakamalaking kaltas sa capital outlay, sa halagang 2.2 Billion pesos.

Wala namang alokasyon ng capital outlay ang Marikina Polytechnic College, Cagayan State University, at Bulacan State University.

Ayon kay Ridon, malaki ang pagka-alarma ng mga opisyal ng mga SUCs kaya naman humihingi ang mga ito ng tulong sa mga Mambabatas para magawan ng paraan ang kanilang pondo./ Isa Avendaño-Umali

 

 

TAGS: kaltas budget sa state universities and colleges, kaltas budget sa state universities and colleges

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.