Union president ng bus company, 25 iba pa, arestado sa Pasay City

Kuha ni Richard Garcia

Sinalakay ng mga pulis Pasay City ang terminal ng Philtranco bus sa lungsod kung saan samu’t saring mga armas ang nakumpiska.

Ayon kay Police Supt. Deanry Francisco, assistant chief for operations, nagsilbi sila ng search warrant sa barracks ng mga empleyado ng Philtranco.

Aniya isang buwan silang nagsagawa ng surveillance base sa impormasyon na ilang kawani ng kumpaniya ang may mga armas.

Sa operasyon na isinagawa ng Biyernes ay nasamsam ang apat na baril, isang granada, samurai at mga bala.

Inaresto rin ang presidente ng unyon na si Jose Olivar at 25 iba pa kasama ang ilang driver at guwardiya.

Samantala, nagdududa naman si Butch Peña ng Association of Genuine Labor Organizations, na maaring may nag set-up lang kay Olivar dahil sa labor issues sa kumpaniya.

 

 

Read more...