License to operate ng Resorts World Manila, sinuspinde ng PAGCOR
By Jan Escosio June 09, 2017 - 06:06 PM
Dahil sa insidente noong June 2 kung saan nasawi ang 38 katao kabilang ang gunma, sinuspinde na ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang lisensya ng Resorts World Manila.
Ayon kay PAGCOR chairperson Andrea Domingo, nagpasya silang suspindihin muna ang lisensya sa gaming operation ng Resorts World habang isinasagawa pa ang imbestigasyon sa insidente.
Sinabi ni Domingo na naisilbi na nila kay Resorts World Manila president Kingson Sian ang “cease and desist” order para sa lahat ng gaming operations nito.
Epektibo agad ang kautusan habang hindi pa natatapos ang imbestigasyon ng PAGCOR.
Kabilang sa tutukuyin sa nagpapatuloy na imbestigasyon ang pananagutan ng pamunuan ng Resorts World sa pagsunod sa security, safety at gaming operations requirements.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.