Binatilyo, patay matapos tamaan ng ligaw na bala habang nasa loob ng mosque sa Marawi
By Ricky Brozas June 09, 2017 - 04:22 PM
Patay ang isang 14-anyos na binatilyo matapos itong tamaan ng ligaw na habang nasa loob ng mosque sa Marawi City.
Oras ng pagdasal, Biyernes ng tanghali, at nasa loob ng mosque ang bata kasama ang kaniyang ina nang maganap ang insidente.
Nasa loob ng kampo ng 103td infantry battalion ang nasabing mosque.
Ayon sa mga otoridad, galing sa sniper ng Maute terror group ang balang tumama sa ulo ng bata.
Tumagos umano sa pader ang bala at tumama sa ulo ng biktima.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.