5 patay, sa pagtaob ng bangka sa Romblon

By Jan Escosio June 09, 2017 - 04:05 PM

Red Cross Photo

(BREAKING) Patay ang limang katao matapos tumaob ang sinasakyan nilang bangka sa karagatang sakop ng Romblon.

Ayon sa Philippine Coast Guard, umalis sa Sibuyan Island ang MB Alan Express 2 kaninang alas 12:00 ng tanghali at patungo sana sa Romblon port.

Pero tumaob ang bangka dahil sa malakas na alon dahilan para masawi ang lima sa mga sakay nito.

Nailigtas naman ng coast guard ang 44 pang sakay ng bangka.

 

 

TAGS: motorbanca, philippine coast guard, Romblon, motorbanca, philippine coast guard, Romblon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.