Angel Locsin, binisita ang mga evacuees sa Iligan

By Dona Dominguez-Cargullo June 09, 2017 - 03:58 PM

Tudla Productions Photo

Binisita ng aktres na si Angel Locsin ang mga pamilyang lumikas mula Marawi City at ngayon ay nanunuluyan sa Iligan City.

Sa post ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Sec. Judy Taguiwalo, ipinakita nito ang larawan ni Angel habang bumibisita sa evacuation center sa Ma’had Alnor Al-Islaime, Block 8, Purok 5A, Ceanuri Subdivision sa Iligan.

Ayon pa kay Taguiwalo, bagaman hindi natin kayang maging si “Darna” at lumipad para makapagligtas ng kapwa, maari naman tayong maging kagaya ni Angel Locsin at magpakita ng pagtulong sa mga Marawi evacuees.

Sa isang larawan na ipinost ni Taguiwalo, sinabi nitong may anghel na bumista sa mga evacuees sa Iligan.

Naka t-shirt lamang at naka sumbrerong orange si Angel nang bisitahin niya ang mga lumikas na pamilya.

Masaya naman ang mga evacuees sa pagdating ng aktres.

 

TAGS: Angel Locsin, evacuees, Iligan City, Marawi City, Angel Locsin, evacuees, Iligan City, Marawi City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.