Mister ng pinaslang na alkalde ng Bohol, kakasuhan ng parricide

By CDN, Dona Dominguez-Cargullo June 09, 2017 - 02:33 PM

Bien Unido Bohol Mayor Gisela Bendong-Boniel (CONTRIBUTED PHOTO)

Sasampahan ng kasong parricide ang pulisya si Bohol Provincial Board Member Niño Rey Boniel dahil sa umano ay pagpatay nito sa kaniyang asawa na si Bien Unido Mayor Gisela Boniel.

Ayon kay Chief Supt. Noli Taliño, Central Visayas Police Regional Office director, ang mga kasabwat ni Niño Rey Boniel ay mahaharap naman sa kasong murder.

Ayon kay Taliño, pito ang sangkot sa krimen at si Niño Rey Boniel ang mastermind sa pagpatay sa kaniyang misis.

“At least seven persons are involved in the crime with Board Member Niño Rey Boniel as the mastermind,” ayon kay Taliño.

Sa ngayon, limang suspek na ang hawak ng mga pulis.

Ang kaibigan ng alkalde na si Angela Gamalinda-Leyson ay magsasampa rin ng hiwalay na kasong kriminal laban kay Niño Rey Boniel.

Si Leyson ay kasama ni Gisela nang sila ay dukutin at ikulong sa isang resort sa Bien Unido.

Positibong kinilala ni Leyson si Niño na siyang nagkulong sa kanila sa kwarto at nakita din umano niyang sinuntok nito ang alkalde.

 

TAGS: Bien Unido, Bohol, Gisela Boniel, Bien Unido, Bohol, Gisela Boniel

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.