Watawat ng Pilipinas, target iwagayway ng AFP sa Marawi sa Araw ng Kalayaan
Target ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na maiwagayway na ang Watawat ng Pilipinas sa bawat sulok ng Marawi City sa Araw ng Kalayaan sa June 12.
Ayon kay AFP spokesman B/Gen. Restituto Padilla, ito ang dahilan kung kaya puspusan ang opensiba ng militar laban sa teroristang grupong Maute.
Sinabi pa ni Padilla na matindi ang hangarin ni AFP Chief of Staff General Eduardo Año na tapusin na ang kaguluhan sa Marawi sa lalong madaling panahon.
Kung mapapansin ayon kay Padilla, kakaunti na lamang ang mga putok na nanggagaling sa mga kalaban maging ang kanilang mga sniper kumpara nang magsimula ang kaguluhan sa Marawi.
Ayon kay Padilla, tatlong barangay na lamang ang target ng clearing operation ng AFP, ito ay ang mga barangay ng Banggulo, Lilud, at Marinaut.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.