Hatol na kamatayan sa 9 na Pinoy na sangkot sa 2013 Lahat Datu seige, hindi pa pinal – DFA

Hindi pa umano pinal ang naging desisyon ng Court of Appeal ng Putrajaya, Malaysia sa siyam na Pinoy na sangkot sa Lahad Datu seige noong 2013.

Sa statement ng Department of Foreign Affairas (DFA), diringgin pa ng Federal Court of Malaysia ang naging desisyon ng Court of Appeal.

Sinabi ng DFA na patuloy na ipagkakaloob ng pamahalaan ng Pilipinas ang tulong sa mga nahatulang Pinoy.

Iginiit din ng kagawaran na simula nang mag-umpisa ang kaso ay ibinigay nila ang lahat ng tulong legal sa mga akusado.

“The PH Government has extended legal and other forms of assistance to all the defendants from the trial stage of their case up to the appeal, and will continue to extend assistance to them as their case progresses,” ayon sa DFA.

Sa nasabing desisyon, pinagtibay ng Court of Appeal ng Malaysia ang naunang desisyon ng High Court na nagpapawalang sala sa 13 mga Pinoy na nakasuhan sa iba’t ibang krimen na may kaugnayan sa treason at terorismo.

Gayunman, pinagtibay din ang desisyon na naghahatol sa siyam na Filipino na sangkot sa Lahad Datu seige.

At sa halip na habambuhay na pagkakabilanggo ay ginawa pang kamatayan ang parusa sa kanila.

 

 

Read more...