Buong lalawigan ng Eastern Samar, 11-oras mawawalan ng kuryente bukas
Labingisang oras na mawawalan ng suplay ng kuryente ang buong lalawigan ng Eastern Samar bukas, June 10, araw ng Sabado.
Sa abiso ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) magsisimula ang power interruption sa lalawigan 6:00 ng umaga at tatagal hanggang 5:00 ng hapon.
Ang maintenance activity sa Paranas-Taft-Borongan-Quinapondan 69 kilovolt line ang dahilan ng power interruption.
Nangako naman ang NGCP na gagawin ang lahat upang matapos ang pagsasaayos upang maibalik ng mas maaga ang kuryente kumpara sa itinakdang schedule.
Samantala, sa Linggo, June 11, ilang bahagi naman ng lalawigan ng Samar ang mawawalan din ng kuryente sa loob ng siyam na oras.
Ito ay dahil sa gagawing pagsaaayos din sa 10MVA transformer sa Sta. Rita Substation.
Magsisimula ang power interruption 8:00 ng umaga at tatagal hanggang 5:00 ng hapon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.