4 na hinihinalang miyembro ng gun for hire, patay sa engkwentro sa Pampanga

By Jan Escosio June 09, 2017 - 09:28 AM

Apat ang patay sa engkwentrong naganap sa bayan ng Apalit sa Pampanga.

Hinihinalang miyembro ng gun for hire ang apat na suspek na naka-engkwentro ng mga pulis.

Ayon kay PO1 Rodsan Sagad ang imbestigador ng kaso nakipag-coordinate sa kanila ang Criminal Investigation and Detection (CIDG) ng Pampanga police base sa impormasyon na may itutumba umanong negosyante ang mga suspek.

Agad namang naglagay ng checkpoint ang mga tauhan ng Apalit police station sa Barangay Pulgante.

Sakay ng dalawang motorsiklo ang apat na suskpek at nang sila ay maharang sa checkpoint ay pinaputukan nila ang mga pulis.

Na-recover mula sa apat ang tatlong kalibre 45 baril at isang 38 revolver.

Hinihinalang miyembro sila ng “Padilla gang”.

Ayon kay Sagad, inaalam na ngayon kung ano anong mga insidente ng pagpatay na kinasasangkutan ng mga suspek.

 

 

TAGS: apalit pampanga, Gun for hire, apalit pampanga, Gun for hire

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.