Alok na tulong ng NPA sa Marawi, hindi kinagat ng DND

By Kabie Aenlle June 09, 2017 - 04:26 AM

 

Hindi bukas si Defense Sec. Delfin Lorenzana na tanggapin ang alok ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) sa ideya ng pagtulong ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa mga sundalo sa pagsupil ng terorismo sa Marawi City.

Ayon kay Lorenzana, ang dahilan kung bakit hindi nila maaring matanggap ang tulong ng NPA ay dahil terorista rin ang turing nila sa mga ito.

Bukod sa NPA, una na ring nag-alok ang mga grupong Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Moro National Liberation Front (MNLF) ng tulong para magdagdag ng pwersa sa pamahalaan laban sa mga terorista sa Lanao del Sur.

Dagdag pa ni Lorenzana, kung pupunta sa kanila ang mga ito dala ang kanilang mga armas, pasusukuin lang nila ang mga ito tulad ng mga dati na nilang panawagan, dahil hindi naman maaring makialam ang mga rebelde sa sitwasyon.

Aniya pa, isa lang ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at isa rin lang ang Philippine National Police (PNP) ng bansa kaya hindi maari ang gusto ng NPA.

Maari lamang aniyang makialam ang mga ito oras na makapag-integrate na sila sa militar.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.