Mas marami pang pag-aresto sa ilalim ng martial law, asahan na ayon sa AFP

By Kabie Aenlle June 09, 2017 - 04:26 AM

Inaasahan na ng Eastern Mindanao Command na mas marami na silang maaaresto sa ilalim ng martial law matapos mahuli ang dating alkalde ng Marawi City na hinihinalang sumusuporta sa Maute Group.

Ayon kay Northern Mindanao police Supt. Lemuel Gonda, isa si dating mayor Fajad Salic sa mga nasa ikalawang arrest order na inilabas ni Defense Sec. Delfin Lorenzana, na gumaganap din bilang martial law administrator.

Si Salic ay naaresto habang nasa sasakyan nang parahin ito ng mga operatiba ng Police Public Safety Company na nagbabantay sa checkpoint sa Villanueva, Misamis Oriental.

Ayon kay Easmincom deputy commander Brig. Gen. Gilbert Gapay, bago pa man ang krisis sa Marawi ay napag-alaman na nilang taga-suporta ng Maute si Salic sa pamamaigtan ng pagpopondo at pagbibigay ng mga kagamitan.

Aniya pa, posibleng masundan pa ang arrest order na ito at asahang mas marami pa ang kanilang mga maaaaresto sa mga susunod na araw.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.