Mapalad na nakaligtas ang apat na pulis sa pananambang sa kanila ng mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa bayan ng Giporlos sa Eastern Samar.
Nagawa pang makipagbakbakan ng mga pulis na pinangungunahan ni SPO4 Teodoro Tan sa mga hinihinalang rebelde, na kalaunan ay nagpulasan rin.
Patungo lang sana ang mga pulis sa Borongon para dumalo sa isang anti-illegal drug summit.
Gayunman, pagdating nila sa Sitio Salvacion sa Barangay Biga, bigla silang pinaputukan ng mga hinihinalang rebelde.
Pinaghahanap naman na ng Eastern Samar Police Public Safety Company at ng Regional Police Safety Management Battalion, katuwang ang 14th Infantry Battalion ng Philippine Armya ng mga nasabing rebelde.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.