Idinepensa ng Malacañang ang pananatili nina Metro Manila Development Authority Chairman Francis Tolentino at Bureau of Customs Commissioner Bert Lina sa posisyon.
Sa kabila ito ng mga panawagan na magbitiw na ang dalawang opisyal dahil sa mga hindi nito magandang trabaho.
Ayon kay Communications Secretary Sonny Coloma, mabibigat ang responsibilidad ng dalawa na sinisikap nitong gampanan sa pinakamahusay na paraan.
Iginiit ni Coloma na hindi naman makatuwiran na tuwing may hindi pagsang-ayon sa trabaho ng mga opisyal ng gobyerno ay hihilingin kaagad ang pagbibitiw ng mga ito.
Sinabi ni Coloma na sa kanyang pagkaka-alam, patuloy na nagtitiwala ang pangulo sa kakayahan nina Tolentino at Lina.
Hinihiling ngayon ang pagbibitiw ni Tolentino na sinisisi sa lumulubhang trapiko sa Metro Manila at ni Lina dahil sa panggigipit sa mga Overseas Filipino Worker na nagpapadala ng mga balikbayan boxes./ Alvin Barcelona