Duterte at Robredo, dadalo sa selebrasyon ng Independence Day sa Lunes

By Mariel Cruz June 09, 2017 - 04:21 AM

 

Parehong dadalo sina Pangulong Rodrigo Duterte at Vice Pres. Leni Robredo sa selebrasyon ng ika-119th Independence Day sa Lunes, June 12.

Ayon kay National Historical Commission of the Philippines (NHCP) chair Rene Escalante, kinumpirma ng Office of the Vice President na dadalo si Robredo sa flag raising ceremony sa Rizal Park.

Sasamahan ng bise presidente si Duterte sa gaganapin na pagdiriwang.

Sa naturang event muling makikita ang dalawang mataas na opisyal ng bansa na magkasama kasunod ng mga isyu na kanilang kinaharap sa mga nagdaang buwan.

Matatandaang nagbitiw bilang pinuno ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) si Robredo matapos hindi na siya padaluhin ng pangulo sa mga cabinet meeting.

Pareho naman humarap sa impeachment complaints sina Duterte at Robredo sa Kongreso.

Ibinasura na ang naturang reklamo laban kay Duterte, habang malabnaw naman ang mga mambabatas sa pag-endorso sa impeachment complaint laban kay Robredo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.