200 katao, ilang pulitiko aarestuhin kaugnay sa martial law sa Mindanao

By Chona Yu June 08, 2017 - 03:45 PM

Aabot sa dalawang daang pulitiko at iba pang personalidad ang kasama sa arrest order na ipinalabas ni Defense Secretary at martial law administrator Delfin Lorenzana.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines Chief of Staff at martial law implementor General Eduardo Año, kasama rin sa listahan ang ilang barangay officials.

Paliwanag ni Año, dawit sa rebelyon ang mga personaldiad na nasa arrest order dahil sa pagsuporta sa grupong Maute na ngayon ay pasimuno ng kaguluhan sa Marawi City.

Gayunman, tumanggi si Año na isapubliko ang pangalan ng mga nasa arrest order.

Matatandaang kamakailan lamang, naaresto na ng tropa ng pamahalaan sina Cayamora Maute, ang ama ng magkapatid na Abdullah at Omar Maute pati na si dating Marawi Mayor Fajad Salic dahil sa pagbibigay ng suporta sa local terrorist group.

TAGS: año, lorenzana, Marawi City, Martial Law, Mindanao, año, lorenzana, Marawi City, Martial Law, Mindanao

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.