Sec. Aguirre kakasuhan ni Sen. Aquino sa kaugnay sa Marawi siege
Dapat umanong manahimik na si Justice Sec. Vitaliano Aguirre at tumigil na paglalabas ng mga alegasyon ng wala namang basehan ayon kay Sen. Bam Aquino.
Sa regular na kapihan sa Senado, muling iginiit ni Aquino na wala siyang anumang naging partisipasyon o kinalaman sa nagaganap na Marawi siege taliwas sa alegasyon ni Aguirre.
Ayon sa mambabatas, bagaman nauna nang humingi nang paumanhin si Aguirre sa senador kahapon ay pinag-aaralan niya na sampahan ng kaso ang kalihim.
Giit pa ng senador, kahit pa magpublic apology si Aguirre sa ginawang pagdawit sa kaniya sa Marawi siege ay tutuluyan niya ito ng kaso.
Magugunitang sinabi ni Aguirre na nagsabwatan sina Aquino, Sen. Antonio Trillanes, Cong. Gary Alejano, dating political adviser Ronald Llamas ang ilang mga lider ng Marawi City sa pagpaplano ng gulo sa lungsod.
Pero kalaunan ay binawi rin ito ng kalihim.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.