Golden State Warriors, isang panalo na lang ang kailangan para makuha ang championship sa NBA finals

By Dona Dominguez-Cargullo June 08, 2017 - 12:18 PM

NBA PHOTO

Nagwagi muli ang Golden State Warriors sa game 3 ng NBA finals kontra Cleaveland Cavaliers.

Sa score na 118 – 113 tinalo ng Warriors ang Cavaliers na naghahabol ng panalo sa NBA championship.

Dahil dito, lalo pang umabante sa serye ang Warriors na mayroon nang tatlong panalo.

Isang panalo na lamang ang kailangan ng Warriors sa best of seven series para tanghaling kampeon.

Si Stephen Curry ang top performer para sa Warriors na nakapagtala ng 26 points at 13 rebounds.

Halata namang gigil si Lebron James na maipanalo ang kaniyang koponan dahil nakapagtala ito ng 39 points, gayunma, kinapos pa rin ang Cavs sa game 3.

 

 

TAGS: cavaliers, dubnation, Finals, game 3, NBA, warriors, cavaliers, dubnation, Finals, game 3, NBA, warriors

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.