Nauwi sa kaguluhan ang pag-demolish ng National Housing Authority (NHA) sa mga bahay sa Barangay Pagasa sa Quezon City.
Nagtamo ng sugat sa kanang binti si PO1 Archie Aure matapos siyang tamaan ng gasera na inihagis ng mga residente.
Ayon sa mga residente ng Bliss compound sa Quezon City, mayroon silang nakuhang temporary restraining order mula sa korte para hindi matuloy ang pag-demolish sa kanilang mga bahay.
Gayunman, dahil hindi hawak at walang maipakitang TRO ang mga residente, itinuloy pa rin ng NHA at ng demolition team ang paggiba sa mga bahay partikular ang mga itinayong barong-barong sa clubhouse ng Bliss compound.
Ayon sa NHA, isasara nila ang clubhouse upang hindi na muli mapasok ng mga residente at hindi na mapagtayuan ng barong-barong.
Nasa 33 pamilya ang naninirahan sa clubhouse na ngayon ay walang malilipatan.
WATCH: Nagkairingan ang mga residente at mga taga-NHA sa demolisyon na isinasagawa sa Bliss cmpd, Brgy Pagasa sa QC | (Video: Jomar Piquero) pic.twitter.com/hXxjFdD1BZ
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) June 8, 2017
WATCH: Nagkagulo sa demolisyon sa Brgy. Pagasa sa QC matapos manlaban umano ang mga residente | VIDEO-JOMAR PIQUERO pic.twitter.com/sEagviKTxo
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) June 8, 2017