Baha pa rin sa walong barangay sa Dagupan, Pangasinan

August 26, 2015 - 03:06 PM

 

Mula sa dagupan.gov.ph

Bagaman unti-unti nang gumanda ang panahon sa mga lalawigan na sinalanta ng bagyong Ineng nananatili ang tubig baha sa walong barangay sa Dagupan sa Pangasinan.

Ito ay dahil sa umapaw na Sinuculan River bunsod ng malalakas na pag-ulan na naranasan.

Ayon kay City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) head Ronald De Guzman, ang Dagupan City ay catch basin ng tubig na nagmumula sa ibang munisipalidad gaya ng Calasiao at Sta. Barbara.

Apektado ng pagbaha ang mga barangay ng Bacayao Sur, Bacayao Norte, Lasip Grande, Lasip Chico, Mayombo, Pogo Chico, Lucao at Malued.

Samantala, patuloy na nagpapakawala ng tubig ang San Roque dam sa Pangasinan dahil sa pagtaas ng water level.

Mula sa 282.91 meters above sea level ay bumaba na ito sa 282.51 meters above sea level.

Maliban sa San Roque Dam, nagpapakawala pa rin ng tubig ang ibang dam sa Luzon.

Sa ulat ng Hydrometeorology Division ng PAGASA, mataas pa rin ang tubig sa Ambuklao dam na nasa 750.79m na malapit sa spilling level na 752m kaya’t bukas pa rin ang isang gate nito.

Ang Binga dam naman ay bukas pa rina ng tatlong gate dahil nasa 574.41m pa rin ang level ng tubig na malapit sa spilling level na 575m.

Ang tubig mula sa Ambuklao at Binga Dam ay dumederetso sa San Roque dam./Dona Dominguez

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.