North Korea, nagpakalawa ng multiple ballistic missiles
Nagpakawala ng multiple ballistic missiles ang North Korea mula sa east coast.
Kinumpirma ito ng South Korean military.
Ayon sa Joint Chiefs of Staff, magkakasunod na anti-ship cruise missiles ang pinakawalan North Korea mula sa Wansan, Gangwon Province.
Sa pagtaya ng JCS, lumipad ang missiles ng 200 kilometers bago bumagsak sa East Sea.
Inalerto na ang military ng South Korea para paghandaan ang susunod pang mga hakbang ng NoKor.
Ito na ang ikalimang round ng missile firing ng North Korea simula noong nakaraang buwan ng Mayo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.