No window hour policy, truck ban sa EDSA hindi pa aalisin ng MMDA

By Kabie Aenlle June 08, 2017 - 04:24 AM

 

Magpapatuloy pa rin ang pagpapatupad ng “no window hours” policy sa mga panghunahing kalsada sa Metro Manila.

Ayon kay Metro Manila Development Authority (MMDA) chairman Danny Lim, napatunayang may magandang epekto ito sa daloy ng trapiko kaya patuloy pa rin ang pagpapatupad nito.

Gayundin aniya ang pagpapatupad naman ng mga light trucks sa EDSA.

Dahil dito, mananatiling bawal lumabas sa kalsada ang mga sasakyang “coding” o kaya iyong mga may plakang nagtatapos sa numerong nakatalagang ipagbawal sa mga kalsada sa partikular na araw, mula alas-7 ng umaga hanggang alas-8 ng gabi.

Samantala para naman sa mga light trucks, hindi sila maaring bumaybay sa EDSA sa mga oras na alas-6 hanggang alas-10 ng umaga, at alas-5 hanggang alas-10 ng gabi.

Inaasahang mas dadami ang mga motorista at mga pasahero sa lansangan ngayon lalo na’t nagsimula na muli ang pasukan sa mga paaralan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.