Trillanes, Aquino tinawag na ‘fake news’ ang pagdawit sa kanila ni Aguirre sa Marawi siege

By Jay Dones, Ruel Perez June 08, 2017 - 03:55 AM

 

Tinawag na ‘fake news’ ni Senador Bam Aquino ang pagsisiwalat ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na nagsabing nasa Marawi siya ilang linggo bago maganap ang Marawi siege.

Giit ng Senador, walang katotohanan ang mga binibitawang mga pahayag ng Kalihim at walang basehan ang mga binibitiwang salita nito sa media.

Paliwanag ng Senador, nasa PICC sa Pasay city siya noong May 2 na siyang araw na sinasabi ni Aguirre na nagtungo siya sa Marawi City upang makipag-usap sa umano sa ilang opposition members bago ang Marawi siege.

May 19 siya aniya nagtungo sa Marawi City upang pangunahan ang pagbubukas ng First Negosyo Center sa ARMM ngunit wala siyang ibang kasamang senador.

Payo ni Aquino, dapat iberipika muna ni Aguirre ang kanyang mga pahayag bago ito mag-akusa.

Samantala, tinawag namang malisyoso ang ginawang pagdadawit ni DOJ Sec Vitaliano Aguirre kay Sen Antonio Trillanes sa nagaganap na Marawi siege.

Ayon pa kay Sen Trillanes, mismong si Defense Sec Delfin Lorenzana ang nagsabi na wala siyang anumang kinalaman sa sigalot sa Marawi.

Paglilinaw pa ng senador, hindi rin umano totoo ang alegasyon na nakipagmeeting siya sa Marawi noong Mayo a-dos dahil sa katunayan, hindi umano siya nagagawi ng Marawi sa nakalipas na tatlong taon.

Giit pa ng senador, para matiyak ni Sec Aguirre, pwede umano nito na silipin ang records sa Senado noong May 2 para makita mismo nito kung ano ang totoo.

Payo ng senador sa kalihim, dapat umanong iwasan ni Aguirre ang pagpatol sa mga impormasyon na nakukuha o naipopost sa social media partikular sa ‘FB’ para hindi ito sumasablay.

Idinawit ni Aguirre sa umanoy sabwatan kaya nagkaroon ng Marawi siege sina Sen Trillanes, Sen Bam Aquino, Magdalo Rep Gary Alejano at Ronald Llamas na kalaunan ay binawi nito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.