COLORING BOOKS MAY DE-STRESSING POWER PARA SA ADULT ni Brenda Arcangel

August 26, 2015 - 12:05 PM

brenda“I found I could say things with color and shapes that I couldn’t say any other way – things I had no words for” – Georgia O’Keeffe, American Artist

May nauuso daw ngayon na pang-alis ng stress ng mga katandaan.

Kung hindi naglalaro ng Candy Crush sa kanilang mobile – isa sa pinagkaka-abalahan ngayon ng marami, na usong-uso sa Amerika at Europa – ay ang coloring books.

Tama kayo, hindi lamang pambata ang coloring books kundi mayroon na ring adult coloring books.

Katunayan, noong April 2015 — nakapasok sa top ten ng bestselling book ng Amazon maging ng Publisher weekly ang mga title na “Secret Garden,” “Enchanted Forest,” “Balance,” at iba pang nakaka-intrigang book title na pawang mga adult coloring books.

Ang nasabing craze kung tawagin ay umabot na ng Hongkong at marami na rin ang nahuhumaling dito sa Pilipinas.

Isa sa pinaka-patok ang Secret Garden: An Inky Treasure Hunt and Coloring Book na pinaniniwalang siyang nagsimula ng trend dahil sa mga post sa Twitter, YouTube, Instagram at Pinterest

Paano nga ba nakaka-de-stress ang coloring books?

Relaxation technique. Nada-divert daw kasi ang ating atensyon sa anumang problema o ini-isip dahil mapo-focus ito sa ating kinukulayang larawan. Kumakalma daw kasi ang bahagi ng ating utak na siyang may kontrol sa ating emosyon gaya ng stress. Bukod diyan, nagiging busy ang ating brain para pumili ng mga kulay at maingat na ilagay sa napiling picture o views.

Creativity. Hindi mo kailangan na maging magaling na painter, o kaya ay artist para ma-appreciate ang mga coloring books pero lalabas ang pagiging creative ng isang tao kapag nagsimula na siyang magkulay at mamili ng mga kulay na ilalagay sa isang larawan. Malaya mo ring ma-e-express ang sarili sa mga kulay na iyong naisin.

Meditation. Gaya ng ibang mga exercise, o maging ng yoga – naka-pokus ka sa isang bagay na ginagawa ng paulit-ulit. Sa ganitong paraan – mare-relax hindi lamang ang isipan kundi maging ang buong katawan. Kung paulit-ulit na gagawin, nagbibigay ito ng kakaibang katahimikan at kapayapaan ng isipan.

Bagaman naka-konek sa bata ang ganitong aktibidad, hindi na ngayon dahil sa de-stressing power nito. Ang kailangan lang ay crayons o kaya ay colored pencils – pwedi ka nang mag-bisibisihan

Isa pang mainam sa coloring books ay ang tila pagbabalik natin sa ating kabataan. Maalala ang ganitong aktibidad lalo na noong tayo ay nagsisimula pa lamang matutong magsulat at bumasa – di po ba?

Tandaan ang lagi nating paalala na anuman ang problema, kung positibo itong haharapin ay maitatawid din natin yan. Keri Lang!

Pakinggan ang Inquirer Breakfast Club (mon-fri 5:00-6:00am), Tinig ng mga Eksperto (Sat. 8:00-9:00am) & Warrior Angel (Sat&Sun 11:00-12:00nn)

TAGS: de-stressing power of coloring books, de-stressing power of coloring books

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.