12 patay sa ISIS attack sa Iranian parliament

By Jay Dones June 08, 2017 - 04:25 AM

 

Hindi bababa sa 12 katao ang nasawi sa kambal na pamamaril at pambobomba sa Tehran, Iran na sentro ng republika ng Islam sa naturang bansa.

Naging target ng mga suicide bombers at mga armadong salarin ang Iranian Parliament at maging ang mausoleum ni Iranian Republic founder na si Ayatollah Khomeini.

Nakasuot umano ng mga damit na pambabae ang apat na mga terorista na pumasok sa main entrance ng Iranian Parliament.

Matapos mamaril, isa sa mga ito ang nagpasabog sa kanyang sarili sa pamamagitan ng suicide vest.

Isa pang pagsalakay ang isinagawa ng grupo sa museum ni Ayatollah Khomeini at nagsimulang mamaril at magpasabog ng suicide vest.

Agad namang inako ng Islamic State ang pagsalakay.

Bihira ang mga kaso ng terorismo sa bansang Iran na kontrolado ng Shiite Muslim.

Ang Islamic State o ISIS ay binubuo ng karibal nitong Sunni Muslim.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.