Aguirre kumambyo, itinangging sinabi niyang nakipagkita ang mga Alonto at Lucman sa mga taga-oposisyon

By Kabie Aenlle June 08, 2017 - 04:33 AM

 

Iginiit ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre II na kailanman ay hindi niya binatuhan ng alegasyon ang pamilya Alonto at Lucman ng pakikipagkita sa mga kritiko ng administrasyon bago ang kaguluhan sa Marawi.

Ayon kay Aguirre, wala siyang intensyon na idawit ang mga pamilya Alonto at Lucman sa nangyayaring krisis ngayon sa Marawi City.

Kailanman aniya ay hindi naging bahagi ang dalawang pamilya sa anumang plano na hamakin ang sinuman o anuman.

Giit pa ni Aguirre, hindi niya sinabing nagkaroon ng pagpupulong sa pagitan ng dalawang pamilya at ilang mga mambabatas bago sumiklab ang gulo sa Marawi.

Wala aniyang ganoong pagpupulong at walang sinuman mula sa mga naturang pamilya ang nakipagkita kina Sen. Antonio Trillanes IV, Cong. Gary Alejano at Ronald Llamas.

Aniya pa, kaugnay naman kay Sen. Bam Aquino na may akda ng GoNegosyo Law, imbitado ang mambabatas sa Lanao del Sur dahil sa pagbubukas ng isang Negosyo Center sa Marawi noong May 19.

Sa kasamaang palad aniya ay na-“misquote” siya ng mga reporters na para bang iyon ang kaniyang ipinupunto.

Paliwanag ni Aguirre, ang sinabi lang niya ay may mga nakarating sa kaniyang ulat na may mga mambabatas ng oposisyon ang tumungo sa Marawi para manghikayat ng mga lokal na pulitiko at warlords para ugain ang administrasyong Duterte.

Wala aniya siyang sinabi na naging matagumpay ang mga ito sa panghihikayat.

Humingi na rin si Aguirre ng paumanhin sa mga pamilya Alonto at Lucman dahil sa isyung ito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.