Nasa dalawang linggo nang sinisikap ng militar na lipulin ang mga armadong grupo na namamalagi sa Marawi City na naghasik ng kaguluhan sa naturang lungsod.
Sa panayam ng Inquirer, sinabi ni Major Rowan Rimas, operations officer ng Philippine Marines, batid ng Maute group ang bawat kanto at lansangan sa Marawi kaya’t mabilis ang mga itong nakakatakas at nakakapwesto.
Dahil alam ng mga ito ang pasikut-sikot sa lungsod, madali nitong nadedepensahan ang kanilang mga hawak na puwesto.
Kapansin-pansin rin ang gamit na military hardware na hawak ng Maute group na lumalaban sa puwersa ng pamahalaan.
Makikita ito sa mga nakukumpiskang mga armas at bala at maging mga rocket propelled grenades ng militar mula sa mga lugar na nabawi sa kamay ng mga kalaban.
Ayon naman kay Lt. Col. Jo-ar Herrera, maram ring mga tunnel at mga foxholes na natagpuan sa mga bahay sa dating pinagtataguan ng mga Maute group.