Mga mahistrado ng Korte Suprema nilabag ang Konstitusyon sa pagpayag na makapagpiyansa si Enrile – Atty. Adaza

August 26, 2015 - 11:21 AM

juan-ponce-enrile-3-e1408690979331
Inquirer file

Lumabag sa Saligang Batas ang mga mahistrado ng Korte Suprema na bumoto ng pabor na mapayagang makapagpiyansa si Senator Juan Ponce Enrile sa kaso nitong plunder at graft.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ng constitutional expert na si Atty. Homobono Adaza na nilabag ng mga Supreme Court justices ang section 13 ng article 3 ng konsitusyon.

Sa nasabing probisyon ng saligang batas, sinumang nakasuhan ay pinapayagan na makapagpiyansa maliban lamang kung ang kaso ay may parusang reclusion perpetua o habambuhay na pagkabilanggo kaakibat ang matibay na ebidensya na nagsasabing guilty ang akusado.

Sinabi ni Adaza na hind tama ang basehan na ‘humanitarian reason’ ng korte suprema sa pagpayag na makapagpiyansa si Enrile, dahil mas malakas pa nga ngayon ang pangangatawan ng senador. “Ang humanitarian reason ay hindi tama, it violates the constitution, parang inamyendahan nila ang constitution eh,” ayon kay Adaza.

Maliban doon, wala ang “humanitarian consideration” sa Rules of Court ani Adaza. Ito rin ang isa sa mga binanggit ni Associate Justice Marvic Leonen sa kanyang dissenting opinion sa majority decision sa petisyon ni Enrile.

Paliwanag ni Adaza, kung susundin ang proseso, dapat ay naghain ang mga abugado ni Enrile ng mosyon sa sandiganbayan para hilingin na mapayagang makapagpiyansa ang senador gamit ang ‘grounds’ na hindi matibay ang ‘evidence of guilt’.

Bibigyang pagkakataon naman ng Sandiganbayan ang prosekusyon para patunayan sa korte na matibay ang ebidensya laban kay Enrile.

Kung sakaling makikita ng sandiganbayan na hindi tama at kulang ang mga ebidensya ay saka naman nito papayagang magpiyansa ang senador.

Ayon kay Adaza mistulang pinangunahan pa ng korte suprema ang kongreso sa ginawa nilang pagpapasya dahil tila binago nila ang saligang batas./Dona Dominguez-Cargullo, Gina Salcedo

TAGS: Juan Ponce Enrile, Juan Ponce Enrile

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.