Mga depositors ng BPI di dapat magpanic ayon kay Poe
Hindi umano dapat na magpanic ang publiko at mga depositors matapos ang naganap na aberya sa sistema ng Bank of the Philippine Islands (BPI) ngayong araw.
Ayon kay Sen. Grace Poe, ito ang pinakamali na gagawin ng depositors dahil siguradong maapektuhan ang merkado.
Paliwanag ni Poe, dapat umanong pagtiwalaan ang BPI bilang institusyon na napatunayan na rin naman ang kanilang magandang reputasyon.
Dagdag pa ni Poe, naging mabilis naman umano ang bangko na nagbigay ng abiso sa kanilang mga depositors at kaagad din naicredit o naibalik sa mga depositors ang umanoy nadebit o naibawas sa kanilang mga account dahil sa nangyaring aberya sa sistema.
Sa kabila nito, dapat din umanong kaagad maglabas ng report at magkaroon ng paglilinaw mula sa bangko kung ano ang naging tiyak na sanhi ng problema at matukoy kung ito ba ay dulot ng kanilang internal IT problem o error o ito ay hacking o cyberattack sa sistema ng bangko.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.