Iniugnay ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre II sina Sen. Bam Aquino, Sen. Antonio Trillanes IV, Magdalo Rep. Gary Alejano at political adviser ni dating Pangulong Benigno Aquino III na si Ronald Llamas sa Marawi seige.
Ayon kay Aguirre pumunta ang mga ito sa Marawi at nakipagkita sa Alonto at Lucman clans 21 araw o tatlong linggo bago maganap ang bakbakan sa lugar.
Dagdag pa ni Aguirre na meron siyang litrato ng mga ito nang magkita sa Marawi.
Aniya, kukuha pa siya ng karagdagang detalye mula sa kanyang asset na nasa lugar.
Kaugnay nito, nanawagan si Aguirre ng imbestigasyon kaugnay ng pagpupulong ng mga ito sa mga local leader ng Marawi na maari aniyang pinagsimulan ng terrorist act sa lungsod.
Una ng ibinahagi ni Aquino sa kanyang official Twitter account ang post ng Department of Trade Industry kung saan ipinapaliwanag dito kung bakit siya nagtungo sa Marawi City.
Ayon sa post ng DTI, pumunta doon si Aquino para sa launching ng Go Negosyo Center sa lugar.