2 patay, 15 sugatan sa riot sa Metro Manila District Jail sa Camp Bagong Diwa

By Rod Lagusad June 07, 2017 - 02:05 PM

Inquirer file photo

Pumutok ang isang riot sa pagitan ng mga miyembro ng Bahala Na Gang at Sputnik sa loob ng Metro Manila District Jail (MMDJ) sa Camp Bagong Diwa sa lungsod ng Taguig.

Batay sa spot report ng BJMP, dalawa ang patay habang labinglima naman ang sugatan sa naturang kaguluhan.

Ayon kay Fronstone Dang-iw, Chief Community Relation Service ng National Capital Region ng BJMP, base sa spot report ay tig-isa ang namatay sa parehong mga gang.

Ang sanhi ng pagkamatay ng mga ito ay dahil sa saksak at head injury.

Aniya nangyari ang naturang riot bandang 6:50 PM ng gabi at ang itinuturong dahilan ng pag-aaway ay mahigit isang linggo ng walang kuryente sa kulungan.

Anim sa mga sugatan ang seriously injured na dinala sa Taguig Pateros District Hospiral habang ang iba naman ay nagtamo ng minor injuries na dinala naman sa medical infirmary ng MMDJ.

Sa kasalukuyan, naka-lockdown at nasa red alert status ang kulugan kung saan ang mga nakakulong ay nakahiwalay base sa kinabibilangan nilang gang.

Hindi rin muna nagpapasok ng mga bisita sa kulungan kung kaya dagsa ang mga dalaw na nag-aalala sa kanilang mga kaanak na nasa loob ng kulungan.

Dagdag pa ni Dang-iw ay under control na ng BJMP Star Teams at oranic personnel ng MMDJ ang sitwasyon.

Kaugnay nito, hinihintay pa nila ang progress report ng naturang insidente.

TAGS: Bahala Na Gang, Camp Bagong Diwa, Metro Manila District Jail, Sputnik, Bahala Na Gang, Camp Bagong Diwa, Metro Manila District Jail, Sputnik

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.