Matataas na kalibre ng armas at mga bala, nakuha ng mga otoridad sa isang bahay sa Marawi City

Kuha ni Ricky Brozas

Sandamakmak na matataas na kalibreng mga armas at mga bala ang na-recover ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Army (PA) sa isang bahay sa Marawi City.

Nadiskubre ang mga armas at bala habang nagsasagawa ng clearing operations ang mga sundalo at pulis sa mga lugar sa Marawi na kanilang nabawi mula sa Maute Terror Group.

Ang bahay sa Barangay Saber kung saan natagpuan ang mga armas at bala ay pag-aari umano ng isang sibilyan.

Kuha ni Ricky Brozas

May mga nakuha ding subersibong dokumento kasama ng mga bala at armas.

Isinailalim sa imbentaryo ang mga nasabat na armas at gagamiting ebidensya ang mga ito laban sa Maute Terror Group.

 

Read more...