Sunog na katawan ni Jessie Carlos, tumugma sa DNA test

Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) crime laboratory na ang natagpuang sunog na katawan na nasa ika-limang palapag ng Maxims Hotel ay ang umatake sa Resorts World manila na si Jessie Carlos.

Ayon kay PNP crime laboratory Director Chief Supt. Aurelio Trampe, positibong lumabas na si Carlos ang nasunog sa pamamagitan ng DNA test, batay na rin sa mga samples na kinuha sa kanyang mga labi.

Sinabi ni Trampe na nagtugma ang DNA samples mula kay Carlos at sa mga DNA samples na kinuha mula sa kanyang mga magulang.

Una nang lumutang ang mga magulang ni Carlos at inamin nila na adik sa casino ang kanilang anak.

Humingi sila ng patawad sa mga pamilya ng mga namatay sa Resorts World Manila.

Sinabi ng mga magulang ni Carlos na mabait ang kanilang anak at nagbago lang ang ugali nito nang malulong sa casino.

 

Read more...