Nanguna ang lungsod ng Maynila sa ‘Worst Place in South East Asia’ ayon sa survey na isinagawa ng travel guide na South East Asia Backpacker.
Sa naturang survey, ang polusyon, kakulangan sa imprastruktura, kakulangan sa kaligtasan at overcrowding ang mga dahilan kung bakit itinanghal na ‘worst place’ ang Manila sa rehiyon.
Umani ang Maynila ng 17 boto.
Sa kabila nito, binigyang pansin naman ng mga turista ang pagiging magiliw ng mga tao sa lungsod.
Pasok din sa top 10 Worst Place in South East Asia ang Cebu City na umani ng anim na boto. Paglalarawan ng mga turista, ‘polluted,’ marumi, maingay at walang kultura sa lugar maliban sa nagkalat na malls.
Samantala, sa 13 lugar na napasama sa ‘Worst Place in South East Asia,’ pinakamaraming lugar ay mula sa Thailand kabilang ang Phukhet, Pattaya, Khao San Road at Koh Samui.